6.23.2009

Naalala lang.

(I posted this late.)
     Minsan nang ako’y naglalakad, nakita ko ang mga schoolmates ko. Magiging fourth year highschool students na sila sa pasukan. Minamasdan ko lang sila. Naghahalakhakan, nagbabatukan. Nakakainggit naman sila. 
     Naalala ko lang kasi ang mga dati kong kaklase. Ganun na ganun din kami. Hindi mawawala ang tawanan. Isip siguro ng ibang tao kapag kami’y magkasama ay nababaliw na kami. Wala kaming pakialam. 
     Naisip ko… napakamali nang inisip kong marami pang oras ang naiiwan para sila’y aking makasama. Isang malaking pagkakamali ‘yun. Minsan ko pa ngang sinabi sa sarili ko na magkalimutan na kung magkalimutan. Tsk! Mali ulit. At ngayon? Nanghihinayang ako. Sino bang hindi manghihinayang sa pagkalayo niyong magkaibigan?
     Oo nga. Magpapasukan pa lang. At siguro, ilan din sa kanila ang iniisip ang inisip ko. Pero kung may lakas ng loob lang ako, sasabihan ko sila. Sasabihin kong gawin na nila ang nais nilang gawin magkasama. Hinding-hindi na nila mababalik pa ang mga panahon na magkasama pa sila. Oo nga at magkikita pa rin. Pero iba pa rin kapag sila ang kasama mo araw-araw. 
     Tiyak na malulungkot lang sila sa tuwing maalala nila ang mga tawanan sa loob ng klasrum. Ang mga tuksuhan ang lubos na ikakalungkot nila. Pagtatawanan naman nila ang mga alitan. At sasabihin pa nilang, “Napaka-immature ko naman noon.”
     Sana mabasa nila ito. Sana mabasa ‘to ng mga taong iniisip ang inisip ko. Sana bigyan nila ng pansin ang oras. Time is gold nga. Kaya kayong nagpapatigas diyan at ayaw kausapin ang nakaalitan mong kaibigan, HOY!Ilang oras na lang ang nalalabi. Kung ayaw mo lang din naman pagsisisihan na hindi ka nakasama sa mga trip ng barkada mo, HOY!Maki-trip ka na. 
     Umalis na sila. At saka ko lang naisip. EMO ata ako ngayon ha. Amf!