8.07.2009

Si Kolehiyo


     Ako ay sadyang abala ngayon. Abala sa pag-aaral. (Tsar lang!) Sobrang kailangan kong makabawi sa MidTerm Examination. Hindi naman sa mababa lahat ng mga resulta ng pagsusulit ko, pero gustong-gusto ko lang talagang magkaroon ng mataas na marka. At sobrang nagsisisi ako dahil hindi ko ipinapakita ang pagiging bungarera ko sa klase. Alam ko naman ang mga sagot sa tanong pero ayaw ko lang talagang itaas ang kamay ko. (Nahihiya kasi ako.)

     Ayan nga pala sa taas ang mga litratong nakuha ko simula nang naging isa akong kolehiyala. Pasensya na sa ibang mga kuha. Napakaganda kasi ng camera ng cellphone ko. 

     KOLEHIYO. Nakakatakot itong pakinggan noon. Pero ngayong nagsisink-in na sa aking utak ang salitang ito(kahit ayaw ko), hindi na siya masyadong nakaka-OWS. Isa na nga pala talaga akong kolehiyalang estudyante. Hindi ko lang man napansin na sadyang kay bilis ng panahon. At parang ang bata ko pa talaga para maging isang kolehiyala. Kinse pa lang ako. 

     'Yan lang muna. Kailangan ko pang mag-review!

No comments: