7.21.2009

0919, miss you!

Nasasabik na akong umuwi ka kahit na alam kong matagal pa.
    'Di ko na ikakaila pang miss na miss na kita. Dahil sa lahat ng aking mga kaibigan, ikaw ang pinakamahalaga.
     Ang akala kong hindi ka maiisip ay mali. Ngayon, mas naalala kita. At mas nais kong makita at makasama ka. Hindi naman sa wala akong mapagsabihan, pero dahil ikaw lang ang talagang nakakakilala sa tunay na ako. 
     Sabik na akong makita kang muli at makita ang malaki mong ngiti. Ang mga tawanan natin at mga kalokohang pinanggagawa mo sa akin ay hanggang sa isip ko na lamang. Sana'y mabalik iyon. Sana sa iyong pag-uwi ay 'di mo makalimutang may kaibigan kang naghihintay sa iyo.
     

No comments: