7.30.2009

Recalls on Rain

     This afternoon's rain was horrible for me. Rain has always been dreadful for me. But it reminded me of something that happened in my past life. 

     I went home alone with raindrops falling on my head. My bag, hanging on my left shoulder, wasn't that heavy. But I was just so tired because of the defense and exhausting lessons we had. Plus I haven't seen much of his apparition this week. (so so unjustifiable for me)

     So the rain. It was sentimental for me. I remembered a special friend. We've walked together in the rain for many times. It's either we're running for a shelter or just wanting to walk in the rain. She loves rain but I hate it. She was the only one who let me do things I would never want to do. She's a seraph to me... but devilish sometimes. I don't know what's within her. But I really believe in her.

     The second. The rain on January 22, 2008. The rain flowed when we were getting out of the Practice House in our school(NDGSC Old Site - Beatiles St.). We had our practicum for TLE 3.

As I was washing the blanket we used, he came to gave me a rosary he bought during their Retreat. I wasn't expecting that. Bwaha! I've even told him to go away from me because our TLE teacher might see us.

I took a long time fixing my things. I went out of the house six in the evening. And the rain was pouring hard. My bag's zipper wrecked so bad. Waah!I got two bags then. And as we were walking going to the street's corner, somebody grabbed my two bags. Haha. That was him.

I was really touched. He even waited for my father to fetch me though he knows his nerves would break.

     Oh memories, memories! I hope to have more.

     BUT!Rain would still always be unpleasant for me.

7.24.2009

May Mga Tao rin palang katulad ni Marie

     Si Marie ang aking manika. Maganda siya. Kulay puti ang kanyang kulot na buhok. Maputi ang balat niya. Ang kanyang suot ay magara. Gawa siya sa porselana.

     Si Marie ang aking kaibigan. Siya ang aking karamay sa tuwing ako ay malungkot. Kapag ako ay may problema, siya ang aking bulungan. Siya rin ang kayakap ko gabi-gabi. Kapag ako ay nababagot, siya ang kalaro ko. At hawak-hawak ko siya saan man ako magpunta.

     Ang tanging ikinagagalit ko lang sa kanya ay ang hindi niya pagsagot pagkatapos kong magsalita. Bakit ganun siya? Naiisip ko tuloy hindi siya nakikinig. Kahit na nakatitig ang kanyang mga mata sa akin, para pa rin akong hangin na hindi niya nakikita.

     Naaalala ko tuloy ang ilan sa mga kaklase ko. Matatalik ko rin silang mga kaibigan. Kalaro ko sila sa paaralan. Kapag walang pasok, inaanyayahan ko silang pumunta sa bahay para maglaro.

     Sa tuwing ako ay nagkukwento, nakatitig din ang mga mata nila sa akin tulad ni Marie. Akala ko nakikinig sila pero sa tuwing pinapaulit ko sila ng kwento ko, iba na ang kanilang pinagsasabi. 

     Bakit may tulad ni Marie sa mundo? Bakit sa tuwing ako ay nagsasalita, kinakaya nilang magpanggap na nakikinig? Bakit gann? Bakit hindi nila kayang makinig? Isa ba akong baliw na hindi dapat pakinggan?

     Ngayon, sabihin mo. Isa ka rin ba sa may mga kilalang Marie o ikaw si Marie?

7.21.2009

0919, miss you!

Nasasabik na akong umuwi ka kahit na alam kong matagal pa.
    'Di ko na ikakaila pang miss na miss na kita. Dahil sa lahat ng aking mga kaibigan, ikaw ang pinakamahalaga.
     Ang akala kong hindi ka maiisip ay mali. Ngayon, mas naalala kita. At mas nais kong makita at makasama ka. Hindi naman sa wala akong mapagsabihan, pero dahil ikaw lang ang talagang nakakakilala sa tunay na ako. 
     Sabik na akong makita kang muli at makita ang malaki mong ngiti. Ang mga tawanan natin at mga kalokohang pinanggagawa mo sa akin ay hanggang sa isip ko na lamang. Sana'y mabalik iyon. Sana sa iyong pag-uwi ay 'di mo makalimutang may kaibigan kang naghihintay sa iyo.
     

7.14.2009

Addictus

Nang una kong nakita ang patalastas na may lolang adik sa internet/kompyuter, hindi na ako masyadong nabigla. Sa panahon ngayon, kahit ang pinakamatandang tao ay maaari ng matutunan ang paggamit ng kompyuter. (Subalit sa tanda niya, baka hindi niya maalala.) Kaya para sa akin, medyo EXAGGERATED siya.

Dahil sa patalastas na iyon, tumatak sa isipan ko ang salitang ADDICTUS na gawa-gawa lamang ng ibang tao.

Sa tuwing may nakikita akong tutok na tutok ang mga mata sa isang bagay, naiisip ko agad ang salitang ADDICTUS. Ewan ko ba kung bakit iyon ang napili kong salita. 

Pero kaninang hapon lang, habang ako'y naghihintay sa loob ng dyip, napansin ko ang matandang babae na kaharap ko. May highlights ang buhok niya. Hindi ko na 'yun pinansin dahil marami na rin namang mga matatanda ang nagpapalagay ng highlights sa kanilang buhok. Ang tanging nagpalaki sa aking mga mata ang GAMEBOY na hawak niya. 

At dahil dun, sumisigaw na naman ang salitang ADDICTUS sa aking isip. 

Ang mga mata niya'y hindi mapaalis sa screen ng laruan. Kung tutuusin, gabi na iyon at madilim. At siya'y sabik na sabik sa bawat galaw ng kanyang nilalarong karakter. At kahit ilang bunggo na ang natama sa kanya ng kanyang katabi, wala pa rin siyang pakialam.

Saka ko na talaga nasabi na sa panahon ngayon kahit ang lola kong halos 70 taon na ay matututunan din ang paggamit ng PSP. 

:D XL.

7.01.2009

Hell-o

Hello!

Dumadaan lang. Wala kasi talaga akong maisip na i-post.

Gusto ko lang magpasalamat sa mga bago kong mga kaibigan na sina JD at Kimroe. Sobrang nagpapasalamat ako at nakilala ko kayo. 

Sige. Ang dami ko pang gagawin. :))