Nang una kong nakita ang patalastas na may lolang adik sa internet/kompyuter, hindi na ako masyadong nabigla. Sa panahon ngayon, kahit ang pinakamatandang tao ay maaari ng matutunan ang paggamit ng kompyuter. (Subalit sa tanda niya, baka hindi niya maalala.) Kaya para sa akin, medyo EXAGGERATED siya.
Dahil sa patalastas na iyon, tumatak sa isipan ko ang salitang ADDICTUS na gawa-gawa lamang ng ibang tao.
Sa tuwing may nakikita akong tutok na tutok ang mga mata sa isang bagay, naiisip ko agad ang salitang ADDICTUS. Ewan ko ba kung bakit iyon ang napili kong salita.
Pero kaninang hapon lang, habang ako'y naghihintay sa loob ng dyip, napansin ko ang matandang babae na kaharap ko. May highlights ang buhok niya. Hindi ko na 'yun pinansin dahil marami na rin namang mga matatanda ang nagpapalagay ng highlights sa kanilang buhok. Ang tanging nagpalaki sa aking mga mata ang GAMEBOY na hawak niya.
At dahil dun, sumisigaw na naman ang salitang ADDICTUS sa aking isip.
Ang mga mata niya'y hindi mapaalis sa screen ng laruan. Kung tutuusin, gabi na iyon at madilim. At siya'y sabik na sabik sa bawat galaw ng kanyang nilalarong karakter. At kahit ilang bunggo na ang natama sa kanya ng kanyang katabi, wala pa rin siyang pakialam.
Saka ko na talaga nasabi na sa panahon ngayon kahit ang lola kong halos 70 taon na ay matututunan din ang paggamit ng PSP.
:D XL.
No comments:
Post a Comment